Chapter Eight
"Huwag kang matulog, Garrie!" niyugyog ako ni Carrie sa balikat dahil talagang nakapikit na ako. I'm so tired. Gusto ko na lang matulog.
"Iwan n'yo na ako. Hindi ko na kayang maglakad," humiga pa ako sa papag dahil sa bigat ng katawan dala ng antok.
"Come on! Hindi namin pwedeng gawin iyan. Bumangon ka na d'yan. Papadilin na, Garrie," muli ako nitong niyugyog.
"Miss Carrie, pwede ko pong buhatin na lang si Miss Garrie," dinig kong prisinta ng isang lalaki. Tauhan ni governor. Iyon kasing golf cart ay isinakay roon ang mga gamit na dinala rito. Iyong reserba ay nasa mansion pa. Atat na silang lumarga dahil parang uulan na raw. Pero ako... pagod na pagod talaga ako.
"No!" ani ni Carrie. Siya na ang tumanggi kahit na gusto ko sanang tanggapin ang offer. "Rusco, pwede mo bang bakayin na lang si Garrie?" pinilit kong dumilat pero mabigat talaga ang talukap ng mata ko. Kaya pumikit lang din ulit ako.
"Okay, love," dinig kong ani ni Governor Rusco. Narinig ko ang papalapit nitong yabag.
"Garrie, bangon! Uulan na, oh!" hinila pa nito ang braso ko.
"Ako na, love," awat ni Governor Rusco sa kasintahan niya.
"Gov, pwede pong ako na para hindi kayo mahirapan---"
"I said no!" asik ni Carrie sa lalaki. Maldita talaga. Pinilit ko ang sarili ko na bumangon, pero inalalayan na ako ni governor paupo. Saka ito tumalikod at lumuhod.
"Bakay, Garrie," kumilos naman ako pabakay rito. I'm too tired para lumakad pa. Kaya hindi rin ako tumanggi na bakayin ako nito.
"Careful, Rusco!" ani ni Carrie ng medyo bumagsak ang ulo ko dahil hindi nakaayos. Ilang hakbang pa lang ang lalaki ay tuluyan na nga akong nakatulog.
Nang nagising ako'y nasa kama ko na ako. Nagising ako dahil may ipinapahid na kung ano si Carrie sa mukha ko.
"Buti naman at gising ka na... namumula ang balat mo, Garrie! Sinaway na kita kanina na huwag magbababad sa ilog pero hindi ka nakinig. Tumitigas yata ang ulo mo, babae." Imbes na sabayan ang init ng ulo nito ay naglalambing na lang na yumakap ako rito.
"Galit ka ba?" ani ko.
"Yes! Alam mo naman na backup kita if ever magkaproblema ako sa mga trabaho ko. Hindi lang ako ang dapat okay, ikaw rin. Alam mo naman na hindi ko kakayanin ang mga obligasyon na ipinatong ng parents natin kung ako lang ang bubuhat sa lahat ng iyon."
"Carrie, w-hat if magtrabaho rin ako---"
"No! Matagal ng tapos ang usapan natin about d'yan. Alam kong kapag nagtrabaho ka ay mag-e-excel ka dahil magaling ka. Pero mas kailangan kita, Garrie. Mas malaki ang kaya kong ipasok sa pamilya natin na pera. Huwag nang matigas ang ulo, okay?" ani nito. Napabuntonghininga ako, pero tumango rin naman. Ano nga ba naman iyong perang kaya kong ipasok kumpara sa milyon-milyong naipasok ni Carrie sa pamilya namin.
"Mag-shower ka later. Nasa banyo na ang mga gamit ko na skin care. Gamitin mo iyon, Garrie. Para mawala agad iyong mga redness."
"Hhmmm..." ani ko lang.
"Sa sobrang pagod mo'y binuhat ka na lang ni Rusco. Buti na lang half way pabalik ay sinalubong na ng golf cart, Garrie. Sinagad mo ang katawan mo sa pagod, hindi ka nagtira nang pang-uwi mo," talak pa rin nito.
"Buti hindi nirayuma ang jowa mo, Carrie?"
"Nirayuma? What the heck, Garrie?" ani nito na namilog pa ang mata. "Anong tingin mo sa boyfriend ko... old?" tumango naman ako rito. "What? He's not old, Garrie! 31 pa lang si governor."
"Oh! Totoo?" ani ko. Aliw na aliw na habang pinagmamasdan ang mukha ng kakambal ko. Parang hindi nito tanggap na ang tingin ko sa nobyo niya ay matanda.
"Garrie!" anas ni Carrie na kulang na lang ay magpapadyak. Malakas ang naging tawa ko. "Isusumbong kita kay Rusco! Gusto pa naman niya na pabaunan ka ng mga fresh fruits kasi gustong-gusto mo raw. Tapos matanda lang pala ang tingin mo sa kanya?"
"'Bal, chill lang. Akala ko talaga matanda na siya. Sabi ko pa nga age is just a number eh!" dinampot ni Carrie ang unan at ipinalo sa akin.
"Siraulo ka, Garrie! Isusumbong kita sa kanya."
"Ito naman! Secret na lang natin iyon. Kung hindi naman pala matanda ang jowa mo ay okay... at least malayo pa sa pagkuha ng señior citizen ID," napasimangot ito sa sinabi ko. Bahagya pa nitong hinila ang buhok ko.
"Salbahe ka, 'bal." Bumalik si Carrie sa pagkakaupo sa gilid ng kama. Saka humiga, ang ulo ay iniunan sa tiyan ko.
"I'm glad talaga na may basbas na nila mommy ang relationship mo, 'bal," marahan kong hinagod ang buhok nito. Sumulyap naman ito sa akin.
"Bantay sarado naman, Garrie. Buti na lang nga't hinahayaan mo kami ni Rusco na mapagsolo. Kasi kung hindi... baka naging taga-score ka na."
"Nang alin?" takang ani ko rito.
"Kapag nagse-s*x kami---"
"Carrie!" ani ko rito.
"Ang active ng s*x life ko, Garrie. Sagana sa dilig," napahagikhik pa ito. Sa akin lang naman ito nagkwekwento ng gano'n. Open ito sa mga gano'n topic, pero ako lang ang nakakarinig. For sure masiraan sa image niya ang mga ganitong topic. Demure na demure kasi ang character niya sa harap ng mga fans niya.
"Wala akong pake kung palagi kang may dilig. Make sure mo lang na hindi ka mabubuntis. Pero if gusto n'yo naman ng magkaanak, kayo pa rin ang bahala d'yan. Pero siyempre may mga consequences iyon."
"'Bal, wala akong planong masira ang body ko. Wala akong planong magbuntis. Sinabi ko naman na kay Rusco iyan. Kaya laging may balot kapag nagse-s*x kami."
"Ayaw mong magkaanak, Carrie?"
"Nooo! Sino bang gugustuhin pang magkaanak sa panahon na ito? Ang hirap ng buhay, Garrie. For sure hindi rin ako magiging mabuting ina. Hindi ako para d'yan. Ikaw rin, Garrie. Hindi ka pwedeng magbuntis. Dapat ay palaging same ang figure nating dalawa," nagsalubong ang kilay ko.
"Paano kung dumating iyong time na ready na ako para sa mga ganyan, Carrie?" ani ko rito. What if lang naman, hindi ko pa rin ba pipiliin ang sarili ko? Ang mga choices na papabor sa akin?
"Garrie, no! Hindi pwede. Saka na lang, okay? Masyado pa akong nasa rurok ng career ko. Years from now ay tiyak na hindi na ako sikat, hindi na ako in demand. Pwede na kapag nasa point na iyon na ako," hindi ako nakasagot. "Huwag kang magalit, Garrie, ha? Kasi sine-secure ko lang naman ang buhay natin. Magpaparami pa ako ng mga properties and investment. Hindi pa pwedeng mawala sa akin ang main source ko ng income."
Nagpaparami na siya ng properties, pati sina mommy. Pero ako... wala pang kahit anong ari-arian sa pangalan ko. Safe ang future ni Carrie kahit malaos pa siya, pero iyong future ko... I don't know. Kaya gusto ko rin sanang magtrabaho. Pero tutol silang lahat.
Malabo ring sa akin ibigay ng parents ko ang mga properties na nakapangalan sa kanila... tiyak na kay Carrie ang lahat ng iyon. After all, si Carrie naman ang dahilan kung bakit naipundar ang mga iyon. Wala akong ambag.
"Bakit sobrang tanggi ka roon sa tauhan ni governor na nag-o-offer lang naman na buhatin ako?" curious na tanong ko rito.
"Hindi ka pwedeng madikit sa kahit na kaninong lalaki, Garrie. Mahirap na. Baka ma-in love ka pa."
"Ha?" hindi ko pa nga naiisip iyon tapos may gano'n na itong pag-iisip?
"Baby girl pa kita, Garrie. I need kailangan kitang protektahan sa mundong ito. Hindi ka pa handa sa mga gano'n bagay---"
"Wow! 3 minutes lang ang pagitan natin, 'bal!"
"Basta... hindi pa ready ang mga katulad mo lalo't hindi pa nakakatikim ng titi."
"Carrie!" this time ay ako naman ang humila sa buhok nito. Tawang-tawa lang ito.
"Hays!" biglang ani nito. "Parang ayaw ko nang umuwi ng siyudad. Parang ang sarap ng ganito lang... relax lang tayong pareho."
"Pero kailangan nating umuwi kasi baka magulpi ako ni mommy kapag hindi ka niya nakita."
"Sabagay... back to work na rin kaya kailangan talaga nating umuwi bukas ng hapon. Gosh! Nami-miss ko na naman ang boyfriend ko," nanulis pa ang nguso nito.
"Video call na lang muna. Saka afford naman niyang lumuwas ng siyudad palagi."
"Afford ng bulsa niya, pero Hindi ng time niya. Sobrang busy niya sa work. Tiis-tiis muna talaga." Himutok nito.
"Okay lang iyan, Carrie. Malay n'yo soon ay magkaroon kayo ng time na mahaba-haba para masolo ang isa't isa."
"More time, more s*x!" ani nito na parang biglang na motivation. Natapik ko na lang talaga ang noo ko.