9

1436 Words
Chapter Nine "Mamaya na ako kakain," sagot ko sa kasambahay na umakyat sa kwarto at niyaya na akong kumain. "Sige po, Miss Garrie. Sasabihin ko na lang po na tulog kayo," tinignan ko si Sassy na nakangisi sa akin. "Damo talaga ang dinner?" "Opo, Miss Garrie. Kaya naman sasabihin ko na lang sa baba na tulog ka." "Thanks, Sassy!" ani ko rito. Nang umalis ito ay humiga na muna ako't pumikit. Baka kasi'y umakyat pa si Carrie rito para i-check ako. Hindi nga ako nagkamali, after 5 minutes ay sumilip na ito. Nang nakita akong nakahiga ay hindi naman na nangulit pa. Mamaya na lang ako mag-dinner, kahit leftover food na lang Basta Hindi damo. Kaso sa pagpapanggap ko na tulog ay nakatulog nga talaga ako. Nagising na lang no'ng 11 pm na. Kaya bumangon ako dahil ramdam ko ang gutom. Pupungas-pungas pang lumabas ng kwarto. Nagtungo ako sa kwarto ni Carrie, I saw her. Tulog na ito. Kaya naman bumaba na ako para tunguhin ang kitchen. Pero pagdating ko roon ay nagulat pa ako dahil may tao roon. I saw Governor Rusco Claverra drinking water. Napatingin pa ito sa akin at agad na tinapos ang pag-inom niya. Ang tanging suot nito ay kulay gray na sweatpants. Walang pang-itaas. Agad akong nag-iwas ng tingin. "Hindi na pala ako nagugutom..." mahinang ani ko. "Balik na ako sa kwarto." "Stop, Garrie!" tinignan ko ito. "Alam kong gutom ka. Hindi ka namin nakasabay ng dinner kanina. Maupo ka't ipaghahanda kita ng foood---" "Huwag damo!" mabilis na ani ko na ikinatawa nito. "Kaya hindi ka sumabay kanina dahil 'damo' ang dinner ng kakambal mo?" tudyo nito sa akin. Nanulis ang nguso ko, baka isumbong ako nito sa kakambal ko kung oo ang sagot ko. "Hindi, ah! Nakatulog ako at ngayon lang nagising." "Maupo ka. Ipaghahanda kita ng pagkain." Naupo naman ako. Pinanood ito habang nag-iinit ng pagkain. Bakit nga ba pumasok sa isip kong matanda na ito? Ah, baka dahil baby face kami ni Carrie. Kaya iyong mga older sa amin ng kaunti ay matanda pa rin ang tingin ko. "Pwede bang nag-request, gov?" "What is it?" "Pwede bang iyong luto mo ay masarap---" "I-request mo man o hindi ay talagang masarap ang luto ko. I'm offended," nanulis lang ang nguso ko. Well, hindi naman ako sure roon. Natapos ito'y 11:30 na. Ito pa ang naghain at ako'y nakaupo lang. "Yum!" ani ko pagkalapag nito ng ulam. Dalawang putahe iyon, iyong isa'y lechon paksiw ba ininit lang nito. Iyong isa naman ay steak. "Eat, Garrie," ani nito. Kaya nagsimula akong kumain habang nagmamasid lang ito. "Masarap ka palang mag-init ng ulam, gov---" "Hindi talaga purihin iyong steak ko, iyon talagang ininit ang pinupuri." Ang lalaki'y napairap pa sa akin. Saka ito nangalumbaba sa mesa. "Masama iyan, gov. Huwag kang mangalumbaba sa mesa," agad naman itong umayos ng upo. Nagpatuloy ako sa pagkain. Tahimik ito kaya nag-isip ako ng pwedeng topic na mapag-usapan. "Gov, rate mo nga ang sarili mo---" "10/10," agad akong napasimangot. Hindi pa nga tapos naglapag agad ng rating niya, perfect pa. "Paki-rate mo nga kung gaano ka kamanloloko?" iyong nagbabadyang ngiti ay agad na nawala at napalitan ng simangot. "Heay! Akala ko naman kung gaano ako kagwapo." "Ay, sorry! Hindi ko naisip iyan kasi hindi ko nakita." "Ligpitin ko na iyan. Huwag ka nang kumain, Garrie." "Ito naman... huwag ma-offend kung may mga babaeng hindi nagwagwapuhan sa 'yo. Be thankful nga na nagwapuhan pa si Carrie eh. Medyo malabo na ata ang mata niya dahil sa flashes ng camera---" "Aba'y, babae, sobra ka na!" umugong ang tawa ko. Medyo nasamid pa kaya naman dali-daling uminom ng tubig. "Dali na... i-rate mo na ang sarili mo." "Kung loyalty ang pag-uusapan ay 10/10 ako d'yan, Garrie, mahal ko ang kakambal mo," napangiti pa ito pagkatapos niyang sabihin iyon. "Never akong na involve sa mga cheating issues na iyan. May mga nakarelasyon ako noon pero never akong nag-cheat, never akong tumingin sa ibang babae habang may karelasyon pa. May mga naka-fling pero malinaw sa amin ang limit namin." "Respect?" ani ko. Siyempre ang gugustuhin ko sa lalaki para sa kakambal ko ay iyong kayang rumespeto. "9/10," nagsalubong ang kilay ko sa sinabi nito. "May 1% kang bastos?" "In bed... yeah!" namilog ang mata ko dahil sa realization. "Gago ka naman, gov!" tumawa lang ito. "You're so funny, Garrie. Ikaw lang ang nanggagago sa akin. Respetadong gobernador ako rito sa San Carlos, pero ginagago mo lang ako." "Na-offend ka?" "Hindi naman---" "Gago ka!" sinamaan na ako nito ng tingin. "Kumain ka na. Baka ligpitin ko na iyan sa sobrang salbahe mo." Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain dahil baka nga iligpit na nito. Pagkatapos kong kumain ay ako na ang nagligpit, ito naman ang nagpunas ng mesa. "Salamat sa pagkain, governor. Pasensya na rin at naabala kita. Good night!" ani ko na kumaway pa rito. Saka ako tumalikod at umalis na. Alam ko namang nakasunod ito, kahit pa no'ng pumanhik na ako ng hagdan ay nakasunod pa rin ito. "Good night, Garrie," mahinang ani ng lalaki. Sinulyapan ko siya at nginitian. "Good night, gov!" energetic na sagot ko bago pumasok at isinara ang pinto. Dumeretso lang din ako ng banyo at nagsipilyo bago humiga sa kama. -- "Garrie! Garrie!" pikit na pikit pa ang mata ko pero binubulahaw na ako ni Carrie. "Yes?" ani ko rito. "Gising na. Mag-gym tayo. Dali na." "5 minutes---" "No! Bangon na d'yan. Handa na rin ang isusuot mo," pinilit kong ibangon ang sarili ko. Sabog-sabog pa ang buhok ko, nang dumilat ako'y nagulat pa ako dahil una kong nakita ang nobyo ng kapatid ko. Nakasandal sa pinto habang nakapamulsa. Agad kong hinila ang kumot para itakip sa sarili ko. Narinig ko pa ang tawa nito. "'Bal, lumabas na kayo. Mag-aayos na ako." "Hintayin kita. Alam ko iyang style mo na iyan, Garrie," wala tulog akong choice kung 'di kumilos na rin para sundin ang kakambal. Dumeretso ako ng banyo na hindi man lang sinulyapan ang kakambal. Mabuti na lang at hindi sexy iyong outfit na inihanda nito para sa akin. Pagdating sa ganitong bagay ay si Carrie talaga ang nagdedesisyon. Hindi niya ito palaging ginagawa, mas trabaho ko pa nga ang ganito. Pero kapag tinamaan nang kasipagan at ka-sweet-an ang kapatid ko'y nag-uumapaw naman. Nag-shower lang ako saka nagbihis, paglabas ko'y naghihintay pa rin sila. Inaantok pa ako pero kailangan ko na talagang kumilos. May gym dito sa bahay ni governor. Pero hindi lang kaming tatlo ang gagamit. May isang lalaki roon na hawig ni governor n busy sa pagbo-boxing. "Xavi," tawag ni Governor Rusco sa lalaki. Agad namang huminto ang lalaki sa pagbo-boxing at lumingon sa amin. "Oh, twin!" ani ng lalaki na parang nagulat pa sa aming dalawa ni Carrie. "Sino ang girlfriend ng pinsan ko sa inyong dalawa?" "I'm here!" ani agad ni Carrie. "I'm Carrie Del Pietto." "Wow! The famous celebrity---" "Hindi naman, Xavi. Medyo-medyo lang." "At sino naman itong kamukhang-kamukha mo?" "Twin sister ko, Xavi. She's Garrie Del Pietto---" "Single ba?" ani ng lalaki. "Yes, pero off-limit!" tugon ng kapatid ko. "Hi, Xavi!" magiliw na ani ko sa lalaki. "Nakita ko na yata ang para sa akin," nag-alis ito ng gloves. Saka naglahad ng kamay sa akin. Nag-shake hands kaming dalawa. "That's enough... kilos na tayo, guys!" ani ni governor. Saka ito lumapit kay Xavi at inakbayan ang pinsan nito. Hinila naman ako ni Carrie at sinenyasan na mag-stretching na. Nginitian ko lang naman ito. Tahimik kong ginawa ang gusto ni Carrie. Pero kung papipilin ako, mas gugustuhin ko pa humiga at matulog ulit. "Gawin mo ito, gawin mo iyan!" narinig ko na naman ang mga favorite nilang linya, kahit tagaktak na ang pawis naming pareho ay sinunod ko lang ito. Sinubukan kong sumabay rito. Nang huminto siya ay hindi ko naiwasang napapalakpak. Napabungisngis ang gobernador na nasa treadmill. Huminto rin ito sa pagtakbo at lumapit sa pwesto ko, dahil naroon nakapatong ang mga tubig. Kumuha ito ng tatlo. Binigyan ako nito, sunod si Carrie, at siyempre iyong sarili niya. Si Xavi na parang nag-e-expect ay itinuro pa ang sarili. Pero hindi man lang binigyan ni governor. Kaya dumampot ako ng isa, lumakad ako palapit pero lumakad din si governor at ibinigay rito ang water niya. Iyong hawak ko'y kinuha naman ni governor. "Hadlang ka, Rusco!" ani ni Xavi. Natawa si Carrie saka nag-thumbs up kay Governor Rusco. Hadlang saan? Inangatan ko ng kilay ang gobernador, gano'n din si Carrie pero tinawanan lang ako ng kapatid ko. Bumalik na lang ako sa pwesto ko at uminom. Pero gumawi ang tingin ko kay gov, masama ang tingin nito kay Xavi. Why?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD