Chapter Sixty-three Kulang ang salitang shock para ilarawan ang reaction ko pagpasok namin ng arena. Agad na pumasok sa isip na hindi ko rin napigilang ibulalas, "I don't deserve this, Rusco," habang ang tingin ay gumagala sa paligid ko. Napakaengrande ng ayos ng loob ng arena. Mula sa table and chairs, sa decorations, stage, kahit pa iyong mga bulaklak na gamit ay ang sosyal ng arrangements. "Anong hindi mo deserve? Kaya nabuo ito ay dahil sa deserving na tao na katulad mo," bulong nito sa akin. Naiiyak ako. Pakiramdam ko'y sobrang espesyal ko para paghandaan ng ganito. Nang lumapit si Sassy sa akin na ayos na ayos din ay kinuha nito ang bouquet na hawak ko. Saka ito umalis. Si Rusco naman ay iginiya ako para tuluyang pumagitna. Mas lalo akong hindi makapaniwala nang mapagmasdan ko a