Chapter Sixty-two Pero paanong hindi ako mag-o-overthink kay Rusco... napapadalas ang pagluwas nito ng siyudad. Wala naman ng pictures with Carrie, pero hindi ko maiwasang magduda. Mahal na mahal ni Rusco at Carrie ang isa't isa bago pa ako na involve sa relationship na iyon. Kung tutuusin ay wala naman talaga akong karapatan. Isinali lang nila ako dahil kailangan. Ngayon na feeling ko'y okay na ulit sila... para akong nasisiraan ng bait. "Ma'am, ang cute ng pusa!" excited na ipinakita ni Sassy ang phone niya. Binilhan siya no Rusco. Latest phone iyon. Takang tinignan ko ang phone nito. Hindi nakuha ng video ng pusa ang atensyon ko. Kung 'di ang tali ng phone at case. Kahit siguro lumipad ang phone nito ay safe na safe pa rin iyon. Kahit siguro aksidente nitong mabitawan ay hindi nada-d