Chapter Sixty-one Umalis na si Carrie. Magiging abala raw ito sa preparation ng birthday celebration niya. Ako naman ay tamang tambay lang sa bahay dahil wala naman akong ibang gagawin. Busy si Rusco sa trabaho. Ngayong linggo ay ilang beses na rin itong lumuwas. "What if nagkikita pala si Miss Carrie at Governor Rusco sa siyudad?" iyon iyong what if ni Sassy sa isang araw na bored kami at makatambay lang sa gazebo. Agad tumalim ang tingin ko rito. Hindi nakakatuqa ang what if nito at automatic na nahuli ang pikon ko. "Oh, para namang gusto mo na akong itumba n'yan, ma'am. Naisip ko lang. What if nga lang 'di ba?" "Hindi nakakatuwa iyang what if mo, Sassy. Ibinigay ko kay Rusco ang tiwala ko. Kung lalagyan mo ng bahid ng duda iyon ay alam mo naman siguro na mag-o-overthink ako," ser