Chapter Sixty Maagang umalis ang gobernador. Nagulat pa nga si Carrie dahil sa bahay natulog si Rusco. Akala raw niya'y wala ito. "Imbes magalit ka sa nobyo mo ay subukan mo kayang tanungin kung kumusta siya, kung okay lang ba siya." "Tsk. I'm not really interested na malaman ang ganap sa trabaho niya, Garrie. Boring. Expected ko nang soon ay magiging asawa ako ng isang politiko pero hindi ako magiging katulad niya na public servant din. Tsk. Bawat oras ko sa shows ko ay bayad, hindi ako nagpapakitang gilas sa mamamayan at makikihalubilo to please them. Masyadong precious ang oras ko. Kung gusto nila akong makita... bayaran nila ako. "Paano kung sabihin ni Rusco na ang gusto niya ay makihalubilo ka sa mga taong nasasakupan niya?" "Eww! No way, 'bal. Saluhin mo ang mga gano'n events.