Chapter 111 "Hindi pala pretty. Siguro filter. Mas pretty pa rin si mommy," iyon ang narinig ko pagpasok ko ng kwarto. Gising na si Rusca at kinakausap nito ang kapatid niyang tulog pa. Nauna ako dahil maharang ni Nicholai si Rusco. "Sinong hindi pretty, anak?" takang tanong ko sa batang agad napalingon sa akin. "That girl po... si Miss Melody. I don't like her na." "Ha? Why?" ani ko. Ibang-iba na iyong mga sinasabi niya ngayon sa mga salitang narinig ko sa kanya kanina. "I saw her, mommy. Tinititigan n'ya ang daddy ko. Kaya ayaw ko na sa kanya." "Anak, tinitigan lang pero ayaw mo na? Parang wrong naman ata iyon," kahit ayaw ko kay Melody ay hindi ko naman ito-tolerate ang mga salita ng anak ko kung alam kong hindi okay. "Mommy, my daddy is soooo pogi. Baka like n'ya si daddy. Baka

