Chapter 110 "Hi! Pwede bang dito na ako sa table ninyo?" ani ni Melody. Si Rusca at Gavyne ay nakatulog kaya nasa guest room sila. Si Garrin naman ay nakikipaglaro sa birthday celebrant kasama ang iba pang kids. Kaya sa table namin ay ako lang at si Rusco. May bakante naman. Luminga ako sa paligid ko... may mga table pang bakante. Bakit hindi na lang siya roon? "Sure," sagot ni Rusco sa babae. Naupo ito sa kabilang side ng table, katapat ni Rusco. Ang asawa ko na hindi ko alam kung nakakakutob sa negative feelings ko sa babaeng ito ay pasimpleng hinawakan ang kamay ko. Nang tignan ko ito ay sa akin pala siya nakatingin. "Baby, kain ka pa," habang nakatingin si Melody sa amin ay inaasikaso naman ako ni Rusco. Hindi man lang nito itago ang paghanga nito sa asawa ko. Parang nananadya ito.

