Chapter Forty-eight "Garrie!" tili ng mommy ni Rusco pagbaba ko ng sasakyan. Akala ko'y hindi kami matutuloy sa bakasyon na ito dahil busy si Governor Rusco. Pero nagawaan pa rin nito nang paraan. Ngayon ay narito na kami sa resort. Sinalubong ng pamilya ng lalaki. Niyakap pa ng mommy ni Rusco na akala mo'y anak niya ako na miss na miss niya. "I'm so happy... sobra... sobrang happy." "Mommy, baka makalas na ang buto ni Garrie sa pagkakayakap mo," saway ni Rusco sa kanyang ina. Pinakawalan naman ako ng ginang saka sunod na yumakap sa akin ay ang ama ng asawa ko. Tapos sunod-sunod na ang mga relatives na welcoming din nang pagtanggap sa akin. "You're so beautiful, hija!" ani pa ng isang tiyahin nito na halatang galak na galak talagang nakita ako. "Thank you po, Tita," ngiting-ngiti na s