Chapter 116 "I know her... kung ikukumpara ang kasikatan mo at ni Carrie ay wala ka pa sa kalingkingan niya. Siya ang dahilan kung bakit ka sikat ngayon. Nakiamot ka lang naman sa kanya. Tapos ngayon ay feel na feel mo na?" palabang ani ng babae. Wala talaga ngayon iyong kahinhinan niya. Para pa nga itong may kaboses. Pamilyar. "Darling, mukhang hindi ka updated sa mga ganap noon. Hindi ka yata nagsiyasat. Dahil sa boses ko kaya sumikat ang kakambal ko. Walang espesyal sa kanya para tangkilikin ng mga tao kaya naman ginamit nila ang boses ko... walang katalent-talent si Carrie," mukha itong offended sa binitiwan kong katotohanan. "Mas lalo akong ginaganahang agawin ang asawa mo, Garrie. Ano kayang mararamdaman mo kapag nakuha ko na siya sa 'yo?" alam kong trini-trigger nito ang inis ko.

