Chapter 117 Isang linggong tahimik ang buhay ko kasama ang pamilya ko. Naka-schedule na ang mga trabaho ko sa mga susunod na linggo, kaya iyong natitirang oras ay nakalaan talaga sa mga anak at asawa ko. "Mommy, matutuwa kaya si daddy sa lunch n'ya?" sabado ngayon. Maghahatid kami ng lunch ni Rusco sa capitol. Excited ang mga anak ko dahil tumulong sila para sa lunch ng daddy nila. "Of course! Sure na sure ako na magugustuhan ni daddy ang lunch n'ya." Pagdating sa capitol ay pansin naming maraming tao. May mga banner pa ang iba. I saw Melody's face. Nandito siya? Fan n'ya ang mga ito? "Kids, sa parking na tayo. Huwag tayo rito sa entrance. Masyadong maraming tao," imporma ko sa mga bata. Si Gavyne na nasa car seat ay kinalabit ako. "Play, mommy!" "Later, 'nak. Ihatid muna natin ang l

