Chapter 149 - Nomnom Hindi naman ako tuluyang pinaalis ni Jesusa. Hinayaan niya akong mag-stay kasama siya. Gaya ng dati. Parang normal lang sa amin ang lahat. Paulit-ulit kong ipinaramdam sa kanya ang pagmamahal ko. Wala akong kinontak na kahit sino dahil ang nais ko'y focus lang ang atensyon ko sa babae. Kahit si Ate Garrie na sa totoo lang ay gusto ko ring makasama pati na ang mga pamangkin ko. Mas lamang iyong pagnanais kong masulit ang pagkakataong kasama siya. Dalawang buwan lang ang mayroon ako, sa bawat araw ay nababawasan ang dalawang buwan na iyon. "Titus, kain na tayo!" kagigising ko lang. Pupungas-pungas pa ngang sumilip sa kusina. She's there, busy sa pagluluto. Kumaway pa ito sa akin. Paglapit ko sa kanya ay agad ko siyang niyakap mula sa likuran. Ang mukha'y isinubsob sa

