Chapter 148 - Nomnom Pinagmamasdan ko ang babaeng bumihag ng puso ko. Abala ito sa pagkikilo ng isda. "Dalawang kilo ba iyan?" tanong ng ginang na abala sa pagbibilang ng pera niya. "Opo, Nang!" magiliw na ani ng babae. Dalawang kilo naman talaga ang isda sa timbangan ngunit nang i-plastic na nito ay pasimpleng inihulog ang dalawang pirasong tilapia. Bago nito iniabot sa ginang ang binili nito. Bahagya na lang akong napailing saka napakamot sa ulo. Mautak talaga, tuso talaga ang isang ito. "Salamat, ineng!" ani ng ginang. Saka kinuha ang pinamili at umalis na. Nang gumawi ang tingin ni Jesusa sa akin ay napasimangot ito. Iyong magiliw na expression nito ay nawala. "Baks, ikaw muna rito. May titing naligaw. Baka miss na naman ang k**i ko kaya narito," halata ang inis sa tinig nito.

