Chapter 147 - Nomnom "Hindi ko alam kung bakit buhay pa itong si Nomnom. Pinagtiyagaan talaga ng kanyang ama ang buhay niya? He's crazy... stupid little s**t. Walang silbi sa pamilya natin ang isang iyan." Maingat kong dinampot ang bread knife at pinagmasdan ko ang reflection ko roon. Lagi ko na lang naririnig kay auntie ang mga gano'n litanya niya. "Gastos pa iyan at dagdag trabaho sa tuwing nawawalan ng control sa sarili. Idispatiya n'yo na iyan." "Stop, Mirida. Sa tingin mo kung narito si Kuya ay matutuwa siya sa mga sinasabi mo?" umirap ang tiyahin ko. Sa mesang ito ay iisang tao lang ang kakampi ko, si Uncle Fabian. Ang natitirang tao na handang gawin ang lahat maprotektahan lang ako. "Unfortunately, wala na si Kuya. Hindi natin makuha ang pwesto sa organization dahil buhay pa

