Chapter Fifty-two "Ano bang naging kasalanan ko no'ng past life ko para iparanas sa akin ang mga ganitong bagay," himutok ni Sassy habang nagsusuot siya ng helmet. Si Rusco naman ang nag-aayos ng helmet ko. Pagkatapos ay in-double check din niya ang life jacket ko. "Kung ipararanas din naman pala sa akin ito ay sana binigyan din ako ng lalaki para tumulong sa akin. Hays!" nilapitan tuloy ito ng instructor at ito na ang tumulong dito. "Lord, bakit naman ang laki ng tiyan---" napitik tuloy ng lalaki ang noo ni Sassy. "Pasaway ka! Ikaw na nga ang tinutulungan eh." "Si sir naman hindi mabiro," natawang ani ni Sassy. "Isuot mo nang maayos ang life jacket mo," utos ng matanda rito. "Baka hindi ka na makahanap ng lalaki n'yan---" "Baka lang ko na 'to?" halatang kinabahan. "Baka," sagot nama