Chapter Seventy-four "At sino naman ang taong iyan?" agad kong bulalas pagkakita sa larawan na ipinadala sa email ni Rusco. "I don't know... let's find out." May information naman na kasama roon at tahimik naming binasa iyon. "No connection sa akin or kay Carrie. That's for sure. Pupuntahan ko ito para makausap, baby---" "Sasama ako, Rusco." "No, stay here---" "Isasama mo ako o hindi ka aalis?" ani ko sa asawa. Napakamot ito sa ulo. "Fine. Fine. Isasama kita," sumusukong ani nito sa akin. Bumalik sa laptop nito ang atensyon namin. "Paano kaya niya nakuha ang video na iyon?" "According sa email ni Tita Garette, wala siyang na trace sa mga accounts sa social media na pinasa lang iyong video sa kanya. Siya mismo ang nag-upload no'n." Nang may tumawag ulit kay Rusco ay agad iton