Chapter Seventy-three 2 Pareho kaming nakatanghod ni Rusco sa tatlong PT na ginamit ko. 1 am na, ito't nagche-check kami. "May result na, baby... not pregnant... negative... negative." Nagkatinginan kami at parehong napabungisngis. "Mukhang kailangan kong isagad talaga." "Okay lang naman ang result, right? Hindi ka malungkot or what?" ani ko sa asawa. Agad itong ngumiti at tumango sa akin. "It's okay, baby. Pagbubutihin ko na lang sa susunod." Ito na ang nagligpit ng mga ginamit namin sa pag-test. Pagkatapos naming naghugas ng kamay ay nagtungo na sa kama. "Rest, Garrie. Huwag mo nang isipin muna ang mga problema. Darating ang panahon ay matatanggap din ng mga tao ang pinili nating desisyon." "I love you, Rusco. Matanggap man nila o hindi ay ipaglalaban kita." Napanatag naman ito