Chapter Seventy-three 1 Hindi umalis si Carrie. Inabutan namin ni Rusco ang babae sa dining room. Nakaupo sa pwesto niya. Nang nakita niya kaming papasok ay malawak itong ngumisi. "I'm still here. Hindi ko tinatanggap ang pakikipaghiwalay ng boyfriend ko sa akin. Dapat ang hiwalayan ay sang-ayon ang both parties. Hindi ako payag, kaya hindi pa tayo hiwalay. Sis, naisip ko na pwede ko namang pag-isipan kung payag akong makipag-share. Kung papayagan kita---" saktong nakaupo si Rusco sa kabisera ay hinawakan ko ang baba ng asawa ko at bahagyang iniangat. "Look, Carrie!" ani ko sabay lapat ng labi sa labi ni Rusco. No hesitation. Gusto kong makita ni Carrie na akin lang ang gobernador. Agad tumugon si Rusco. "Garrie!" ani ni Carrie. She looked defeated. Nang naghiwalay ang labi namin ni R