Chapter Thirty-two Maaga akong nagising. Nasa mood mag-gym. Si Sassy agad ang naisip ko. "Manang, si Sassy po?" "Tulog pa, Ma'am Garrie. Sunday ngayon kaya tanghali talaga ang gising no'n, demonyo ata. Imbes magsimba ay itinutulog ang kaluluwa." "Manang, ako na po ang manggigising sa natutulog niyang kaluluwa." Tinungo ko ang maid's quarter. Inabutan ko itong naghihilig pa, nakanganga pa nga eh. "Sassy, let's go!" seryosong ani ko. Napaiktad ang babae sa gulat na parang naalimpungatan. "Ma'am!" ani nito. "Kanina pa kita hinihintay sa gym. Kilos na." "Gym? Kailan pa ako nag-gym?" ani nito na wala pa ata sa sarili. "Ngayon. Kilos na, Sassy." "Ma'am, naman!" "Kikilos o magpapa-schedule tayo para makapag-bungee jumping?" tinitigan ako nito. "Gym na lang, ma'am." Kaya ngayon, ito k