Chapter Thirty-one Nagising ako na nasa isang silid na, silid ko sa mansion ni Governor Rusco. Nakita ko ito sa couch, seryoso ang expression ng mukha na nakatitig sa akin. Nang nakitang dilat na ako ay agad itong tumayo at lumapit sa bed ko. Umupo sa gilid ng kama at hinawakan ang kamay ko. "Kumusta ang pakiramdam mo?" ani nito sa akin. "A-yos lang, gov. Ayos na." "I'm so sorry, Garrie. I'm really sorry na nangyari ito. Hindi ko akalain na dudumugin ako ng gano'n." "Hindi mo kasalanan kaya huwag kang mag-sorry. May enochlophobia ako, Rusco. Takot ako sa crowd. Nagkakaroon ng panic attack sa tuwing may crowd na katulad no'n." "Bakit nagkaroon ka ng gano'n, Garrie? May ways pa ba para mawala ang phobia na iyan?" hindi ko sinagot ang tanong nito dahil hindi ako handa. "Okay, I understa