Chapter 133 Garrie Nakiusap ang manager ko na dumalo ako sa meeting. Alam kong naroon si Melody. Kaya mas sinimplihan ko lang ang ayos ko. Gusto kong mag-standout siya para mas makuha niya ang atensyon ng mga taong kasama namin sa pagpupulong na iyon. Shirt and pants, tamang suklay lang sa buhok, tapos hindi man lang naglagay ng makeup. I really don't care kung magmukhang out of place ako sa lugar na pupuntahan. Ang Manager Cel ko na concern na concern sa career ko ay hindi napigilan ang iling. Masinsinan na kaming nakapag-usap nito. Malaking pera rin ang willing ko sanang bitawan para rito pero tumanggi ito. Napakalaking tulong na raw sa kanya na dumating ako sa buhay niya. Dahil sa akin nagsimulang dumami ang hawak niyang talents. Kaya grateful daw siya sa akin. "Aapihin ka roon---"

