Chapter Twenty-three Dinner. Nasa gazebo kami at dito ipinahanda ng gobernador ang dinner namin. "Rusco, swerte ka sa family mo 'no?" "Yup! Isa iyan sa ipinagpapasalamat ko sa Diyos, Garrie. May pamilya ako na katulad nila---" "Ang daming gwapo sa pamilya mo... baka may single pa sa kanila. Ipakilala mo naman ako," ani ko rito. Nagbibiro lang naman ako. Pero kasama naman sa rule namin na pwede akong manlalaki 'di ba? "Wala. Mga babaero ang mga iyon kaya umiwas ka sa kanila." "Katulad ni Xavi?" ani ko na parang may pagtataka. "Yes. Mga playboy ang mga iyon. Ako lang ang matino sa aming magpipinsan. Kung may binatang Claverra ka na makilala ay umiwas ka agad. Mga babaero ang mga iyon. Itatak mo iyan sa isip mo, Garrie." "Wehhh?" "Garrie!" ani nito sa akin. "Malay mo naman ako ang ma