Chapter Sixteen Kanina pa nakaalis ang gobernador. Bumalik na ito sa San Carlos. Nagkulong lang ako sa cottage, ang pagkain ay inihahatid lang, gaya iyon ng bilin ni governor. Gabi na, nanonood ako ng TV. Saktong nag-flash ang isang balita. "Headline: Sikat na producer, trending sa social media dahil sa mga s****l harassment sa ilang artist." Napaayos ako ng upo. Nagsimulang nanginig ang kamay ko. Saktong nag-ring ang phone ko. Si Governor Rusco ang tumatawag. "Garrie, are you okay?" parang na sense yata nito na hindi ako okay kaya tumawag siya. "Y-eah, I'm o-kay." Halos pilit lang ang pagbigkas ko ng mga katagang iyon. Napabuntonghininga ang lalaki. "Need someone?" concern ito. "Hindi muna pala ako dapat umalis d'yan---" "No. It's o-kay, governor. Kaya ko ito. M-ahuhuli ba siya?"