WALANG pahinga si Maya pagkatapos ng duty bilang bartender dahil kaagad siyang nagbihis para naman sa singing gig kasama ang banda ni Patrick. Inabot siya ng alas-tres ng madaling araw sa bar. Pagdating niya ng bahay ni Yoshin ay walang tao. Wala roon ang kotse nito. Mabuti may susi siya. “Saan kaya nagpunta ang kumag na ‘yon? Hindi man lang nag-text,” palatak niya habang papasok ng kusina. Binuksan niya ang natatakpan sa lamesa. Napangiti siya nang makita ang cookies. Mainit-init pa ito. Inalis niya ang papel na nakaipit sa plato ng cookies at binasa ang nakasulat. I went to Vladimir’s house. We have an emergency mission. Yoshin Sa halip na mapanatag ay ginupo naman siya ng kaba. Sunud-sunod na ang mga misyon ng BHO members at walang sinasabi si Yoshin kung para saan ito. Maaring t