LUMUKLOK sa couch si Maya at napalagok ng tubig mula sa basong inabot ni Julio. Si Julio ang nag-iisang anak ni Cecelia na alam nila, anak nito sa asawang namayapa. “Anak n’yo po ba talaga si Alvera, ang mommy ni Yoshin?” usisa niya. Hindi na siya mapakali dahil ayaw rin paawat ng puso niya sa pagkabog. Umupo na rin sa tabi niya si Yoshin at hindi makakibo dahil sa pagkagimbal. Small world nga naman, ngunit tila mapupurnada pa ang relasyon nila ni Yoshin. “Ang totoo, ampon ko si Alvera,” ani Cecelia. “Pero hindi n’yo po ba siya kadugo?” paniniguro niya. Abot lalamunan na ang kan’yang kaba lalo’t ang tagal sumagot ng ginang. Nakailang buntonghininga pa ito. “Hindi. Anak si Alvera ng kaibigan kong namatay roon sa abroad. Nasa Germany pa kami noon Naanakan kasi siya ng amo niya’ng Germa