NILINGON ni Maya si Yoshin na biglang lumapit at naunahan siya nito sa pagpulot ng kuwintas. “It’s my mom’s necklace,” sabi nito. “Oo, may picture ka nga sa loob,” aniya. Binuksan ni Yoshin ang pendant. “She also had a picture here.” “Kaso malabo at sobrang liit. Maputi pala ang mommy mo at kulot ang buhok. Pero parang pamilyar ang angle ng mukha niya.” Nabaling sa kan’ya ang titig ni Yoshin. “Maybe you already met here before.” Kumibit-balikat siya. “Siguro. Baka nagkita kami sa Batangas minsan.” Sinimulan na niya ang pagtipa sa piano. Mayamaya ay nagtawag na si Julio para kakain. Naudlot tuloy ang pagkakabisa niya sa lyrics ng kanta. Gustong masulit ni Cecelia ang pagkakataon na kasama sina Yoshin at Maya kaya naudyok din sila na doon matulog. Wala naman silang hahakuting maramin