HINDI na nakausap ulit ni Maya si Luciana dahil umalis din ang mag-asawa pagkatapos ng hapunan. Naging busy rin sila dahil dumating ang mga VIP guest nila. Pabalik-balik siya sa VIP room at nagsi-serve ng inumin. May bar game rin at sugal kaya kailangan niyang tutukan ang mga bisita. Alas-tres ng madaling araw natapos ang duty ni Maya dahil nag-overtime pa siya. Nakasabay niya palabas ng bar sina Even at Marlon. Himalang naroon si Marlon. Akala niya ay inutusan ito ni Yoshin upang bantayan siya. Sinundo lang pala nito si Even na nagdrama na masakit ang tiyan. “Wala ka bang trabaho, Kuya Marlon?” tanong niya sa binata. “Bukas ng umaga ulit, bodyguard ng mag-ina ni Sir Chase. Pumapasok kasi sa school ang bata, sa ospital naman ang nanay kasi nurse,” ani Marlon. “Ah, sumibat ka lang pala,