NAKAHINGA nang maluwag si Maya nang walang sumagot sa tinawagan ni Luciana. Naroon sa phone mini book ang mga numerong puwede nitong tawagan. Naroon marahil ang numero ng opisina ni Donovan o personal na number. “Hindi sumasagot si Donovan!” inis na sabi ng ginang. Nag-dial ulit ito at merong sumagot pero biglang natulala ang ginang. “Hello? Sino ka? Nasaan si Donovan?” balisang tanong nito. Mayamaya rin ay ibinaba ng ginang ang receiver ng telepono. Naging uneasy na ito. “Bakit po, ma’am?” tanong ni Maya. “Bakit babae ang sumagot sa telepono ni Donovan?” tulalang tanong din nito. “Baka po secretary niya?” “Secretary? Lalaki ang secretary, at iyong numerong tinawagan ko ay peronal phone ni Donovan. Ah, hindi ko na alam. Baka ibang numero ang natawagan ko.” Naging uneasy na ito. Nap