SA halip na uuwi ay nagtungo pa sila sa bahay ni Luciana. Napasok na ito ng mga pulis at tiniyak na walang patibong. Pinaalis ni Yoshin ang guwardiya na itinalaga ni Donovan sa bahay at pinalitan ng agents nito. Hindi naman nag-iwan ng bantay ang mga pulis doon pero sa bar ay meron. Sinabi ni Atty. Morales na si Maya ang bahala sa bahay, at pinakilala siya na daughter-in-law ni Luciana. Pinalabas kasi nila na nasa Italy ang anak ni Luciana dahil ayaw lumantad ni Yoshin. “Alisin mo na kaya ‘yang maskara mo,” sabi niya kay Yoshin nang makapasok sila sa bahay ng mommy nito. “No. The police might leave the hidden camera here,” anito. “Kung sa bagay para safe.” Naka-lock ang secret room ni Luciana pero nahulaan ni Yoshin ang password ng bolt maliban sa fingerprint ni Luciana. “Paano mo n

