ISANG linggo ang lumipas magmula noong ikinasal sila ni Yoshin sa relihiyon ng mga ito. Bumalik na rin ng Italy ang lolo nito. Isang beses lang nakapag-duty sa bar si Maya at hindi pa niya nakita si Donovan. Nag-text siya rito noong na pupunta siya pero dapat ang ipapadala nila ay impostor niya na agent ni Alejandro. Kaso walang reply si Donovan kaya hindi rin natuloy ang plano. May agents si Yoshin na nagmanman sa labas ng bahay ni Luciana pero hindi nakita ng mga ito na lumabas ang ginang o kahit si Donovan. Nakitsismis na siya kay Even na nagalit bakit hindi niya inimbita sa second wedding niya. “Ang damot mo! Hindi mo man lang ako inimbita sa kasal n’yo!” angil nito nang makalapit sa bar counter. “Biglaan kasi at nagahol na kami sa oras at saka dumating ang lolo ni Yoshin. Inapura n

