NANG mapagsolo sila ni Yoshin sa hapag ay inusig nito si Maya kung sino ang nakausap niya sa cellphone. Sinabi niya ang totoo pero hindi na binaggit ang pagdududa niya. “We need to know Mom’s situation first before you meet her, Maya. My agents reported that Donovan deployed his men in the bar,” ani Yoshin. “Matagal na niya sinabi ‘yon na maghihigpit siya ng security sa bar. Sabi nga niya pati papeles namin dapat updated na. Baka hahanapan na ako ng updated ID pagpasok ko ng bar. Eh, malalaman niya ang status ko at apelyido mo na ginagamit ko,” sabi niya. “Use fake ID. Chase can help you create the fake updated one.” “Oo nga, ano? Pero dapat may makapasok sa bahay ni Mommy para malaman ang sitwasyon niya. Eh, ako lang ang ina-allow ni Donovan na makapasok doon. Need na natin ng ibang d

