HINDI maipinta ang mukha ni Yoshin nang lapitan ito ni Maya. Hinawakan siya nito sa kanang braso at niyaya papasok ng bahay. “Bakit ba? Nag-uusap kami ng lolo mo, eh. Ang bastos nito!” reklamo niya. “Listen to me, Maya. Don’t attach yourself to Grandpa. He might fool you and make you believe in his lies. He knew you’re the one who influenced me to disagree with his agreement, so he needs to convince you that his intention was safe,” anito. “Teka nga! Ikaw ba ay kinakausap nang maayos ang lolo mo at nakikinig sa mga paliwanag niya? Baka kasi may gusto siyang sabihin na ayaw mong makinig kaya nag-alangan siya.” “Maya, I know my grandfather. He can manipulate the situation to control the people around him. Once you listen to him and believe what he says, you will be trapped. My mom told m

