PUMASOK sa kusina si Maya saktong nagsasalin na ng ulam sa serving plate si Rona. “Ate Rona, luto na ba lahat ng pagkain?” tanong niya. “Yes, ma’am. Ihahain ko na sa lamesa ang pagkain,” ani Rona. “Tulungan na kita.” Hinakot na niya ng ibang kubyertos sa hapag. Sinilip niya ang maglolo at tuloy lang ang usapan. May halong Italian na ang salita ng mga ito kaya lalong nagtaasan ng boses ang dalawa. May mga kasama ang lolo ni Yoshin, bodyguards malamang. Mukhang malabong doon ito matutulog sa bahay nila. Wala naman itong dalang gamit maliban sa handbag na itim. Nang makapaghain ng pagkain ay tinawag na niya si Yoshin. “Let’s eat first, Grandpa,” sabi rin niya sa ginoo. “Thank you, Maya,” wika ng ginoo saka tumayo. Maganda pa rin ang tindig nito, matikas kahit may edad na. Naghari ang k

