NAGKUNWARING tulog si Maya nang malamang dumating na si Chase. Nakarating na rin si Bernard na namalengke at kasama na ang agent na si Rona, na magaling ding magluto. Pinapasok pa ni Yoshin si Chase sa kuwarto nila para konsultahin ang kan’yang kalusugan. “She’s still sleeping,” ani Chase. “No. She’s pretending,” sabi naman ni Yoshin. Iritang-irita na siya sa kan’yang asawa at pilit pa siyang ginising. Nabisto na siya. “Ano ba!” singhal niya sa asawa. “I saw you holding your phone earlier a second before I said that Chase had arrived. Come on, get up, witch!” anito. Tinitigan niya nang masama si Yoshin at hinampas ito sa kanang braso. “Ang insensitive mo talaga! B*wisit ka!” “How do I become insensitive? You’re not feeling well, right? So I called a doctor to check your health.” “

