Chapter 112

2198 Words

ALAS-DOSE pasado na nakalabas ng bar si Maya at naghintay siya kay Yoshin. Hindi pa bumabalik ang kotse nito. Wala siyang masakyan. Panay ang tawag niya kay Yoshin pero hindi sumasagot. Ilang minuto pang paghihintay ay dumating ang kotse ni Yoshin pero si Bernard lang ang sakay. Lumulan kaagad siya sa may backseat. “Nasaan si Yoshin?” tanong niya kay Bernarrd. “Lumipat po siya sa kotse ni Sir Chase at sinundan si Selvestre,” tugon nito. “Ano? Saan sila pupunta?” “Depende po kung saan pupunta si Selvestre.” “G*go talaga! Balak ba talaga nilang dakpin si Selvestre?” Kumibit-balikat si Bernard. “Hindi ko po alam kung ano ang plano nila Boss. Sumusunod lang ako sa utos.” Panay ang buga niya ng hangin. “Sige na, uwi na tayo, Kuya Bernard. Inaantok na ako,” sabi na lamang niya. Nagmanio

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD