HINDI na nagtaka si Maya bakit mahilig sa music ang mother side ni Yoshin. Halos lahat ng pinoy ay dedicated sa music. Meron at merong isang miyembro ng bawat pamilya sa Pilipinas na mahilig sa music o marunong kumanta. Kahit iyong walang talent sa pagkanta ay natututo dahil sa impluwensiya ng passion ng ibang pinoy sa musika. It’s part of their tradition and culture.
“Can you sing?” tanong niya kay Yoshin.
Nakatayo lang ito sa gawing kaliwa niya at pinapanood ang kan’yang ginagawa.
“No, but I love seeing someone singing with a natural voice,” tugon nito.
Humarap siya rito nang maayos. “That’s why you brought me here, right?” nakangising saad niya.
Walang kibo si Yoshin. Iniwasan siya nito at nagligpit ito ng mga kahon na pinaglagyan ng speaker.
Napalis ang kan’yang ngiti nang mabigong masilayan ang ngiti sa mukha ni Yoshin. Lumaki ata ito na hindi naturuan kung paano ngumiti. Pinagmasdan lamang niya ito habang naglalabas ng mga kahon sa glass door. May guwardiyang kumukuha ng kahon mula sa labas.
“Are you done cooking, Maya?” pagkuwan ay tanong ni Yoshin.
“Yes, sir! Are we going to eat?” aniya.
“Bring the food to the dining. I’ll change my clothes first.” Pumasok na ito ng kuwarto.
Bumalik naman siya sa kusina at inasikaso ang pagkain. May naiwan pa siyang inihaw na mais sa grill house. Pain-in naman na ito. Mula roon sa ihawan ay natatanaw niya ang lalaking tinatawag si Cocoro. Palapit ito sa kan’ya. Naroon pala sa labas ng pinto si Cocoro, naamoy malamang ang niluluto niya.
Binuksan niya ang pinto at nilapitan si Cocoro. “Are you hungry?” tanong niya sa aso.
Tuluyang lumapit sa kanila ang lalaki na mukhang pinoy na may ibang lahi dahil sa light brown na mga mata. Hindi pa niya ito nakausap.
“Hi, Maya!” nakangiting bati ng lalaki.
“Hello po!” bati niya rin.
“You can speak Tagalog when talking to me. I’m Marlon Cayuglo,” wika ng lalaki.
Nawindang siya. Tama ang hinala niya na may lahing pinoy ang lalaki. “Pinoy ka ba?” excited niyang tanong.
“Ang nanay ko lang ang pinay. Turkish naman ang tatay ko pero sa Pilipinas na ako ipinanganak. I went here for a job when my Turkish father also works here. Kaso namatay na siya kaya ako ang pumalit sa trabaho niya. Dating tauhan ng daddy ni Yoshin ang tatay ko.”
“Ah. Eh, ang nanay mo?”
“Nasa Pilipinas siya pero may pamilya na ring iba. Nag-asawa siya ulit ng pinoy.”
“Mabuti naman may makakausap na akong pinoy.”
“You can speak Tagalog to Yoshin, too.”
“Eh, ayaw niya. Hindi naman niya maintindihan lahat.”
“He can understand, huwag lang ang malalalim na salita. May accent kasi ang Tagalog mo. At saka mabilis kang magsalita.”
“Ano kasi, taga-Batangas ako, eh.” Ngumisi siya.
“Ah, kaya pala. Makaintindi si Yoshin ng Tagalog, nagsasalita rin basta basic grammar. Mabilis lang din siyang matuto kung madalas mong kausapin sa Tagalog.”
“Kaya nga sinasanay ko, eh. Dumudugo na ang ilong ko. Medyo mahirap din ang English niya kasi Italian accent. Madalas Italian ang salita niya.”
“Basic English lang din ang alam ni Yoshin. Sa tutor lang siya natuto pero hindi siya nag-aral sa English countries.”
“I see. Sige pala. Baka naghihintay na si Boss ng pagkain. Teka, gusto mo ba ng tahong?”
Kumunot ang noo ni Marlon. “Ano na nga ‘yong tahong?” anito.
“Iyong may shell, mussels sa English.”
“Ah, oo. Meron ba?”
“Wait. Ikukuha kita ng naihaw ko.” Patakbo siyang pumasok ng kusina. Sumunod na sa kan’ya si Cocoro.
Sumilip muna siya sa dining. Nakaupo na si Yoshin sa harap ng lamesa at nakatutok sa cellphone. Binalikan naman niya si Marlon dala ang dalawang shell ng tahong na naihaw na. Binigyan din niya ito ng isang inihaw na mais.
“Salamat. Na-miss ko rin itong inihaw na mais,” anito.
“Oo, nagustuhan nga ‘yan ni Yoshin.”
“Talaga? Mukhang nag-a-adjust na siya, ah.”
“Ay, ewan! Mahirap intindihin ang ugali ng amo natin. Oh, siya. Maiwan na kita dine at naghihintay na ang boss.”
“Sige. Salamat ulit!”
Pumasok na siya ng kusina at dinala ang pagkain ni Yoshin sa dining. Nakaluto na rin siya ng kanin.
“Give me some slice of watermelon,” utos nito.
“Okay, sir. Pahingi rin ako, ah?” nakangiting sabi niya.
Walang sinabi si Yoshin basta sinipat lang siya. Kahit hindi ito umoo ay kumuha rin siya ng watermelon na seedless. Kung pakapalan lang ng mukha, hindi siya papatalo. Halos lahat ng naging amo niya ay pareho ang trato niya, maliban sa may magaspang talagang ugali na mapagmata.
Pinakikiramdaman naman niya ang ugali ng kan’yang amo bago pakisamahan ayon sa trato ng mga ito sa kan’ya. Itong si Yoshin lang ang masungit na kaya niyang barahin. Siguro dahil nagsimula sila sa kakaibang engkuwentro. They met in a naughty moment first. Doon siya bumase na makakaya niyang palambutin si Yoshin.
Nang maibigay lahat ng kailangan ni Yoshin ay kumain na rin siya sa kusina. Pinatakan lang niya ng konting lemon at soy ang inihaw na tahong at solve na ang cravings niya. Kumuha rin naman siya ng tuna dagdag ulam pero iba pa rin ang lasa ng tahong. Nakarami na naman siya ng kanin. Mukhang doon na siya tataba sa puder ni Yoshin.
Ilang minutong nakaupo lang si Maya pagkatapos kumain. Ang bigat ng kan’yang tiyan kaya hindi siya makakilos. Nadatnan siya ni Yoshin na nakaliyad sa silya. Dinala na nito ang pinagkainan sa lababo.
“I will leave later. Do the laundry and finish it before sunset,” sabi nito.
Sinundan lang niya ito ng tingin. Naghuhugas na ito ng mga kamay sa lababo.
“Do I need to cook for dinner?” tanong niya naman.
“Of course. I want fish steak again, but frill the fish in the charcoal grill. Use the pink salmon belly. Don’t forget to feed Cocoro, too. And take note, he eats twice but only 500 grams of wet dog food. If you feed him the dry food, make it 600 grams. Don’t feed him chocolate and seafood. Tuna is fine, but mix it with his dog food. Morning and night are Cocoro’s feeding time, seven to seven,” habilin nito.
“Noted, sir!”
“I will leave my room open. You can remove my bed’s mattress and change them, including the curtain. You can get the extra mattress in the guest room on the right side of my room.”
“Copy, sir!” tinatamad niyang tugon.
Tumahimik na si Yoshin. Akala niya’y umalis na ito. Napapikit pa siya at nakadipa ang mga kamay. Kulang na lang ay humiga na siya sa upuan. Nakabukas pa ang zipper ng kan’yang pants dahil halos puputok na sa labis na kabusugan.
Mayamaya ay biglang may tubig na pumatak sa tungki ng kan’yang ilong. Nagmulat siya ng mga mata.
“Ay! Itlog mong sunog!” bulalas niya nang gulatin siya ng mukha ni Yoshin na nakadukwang sa kan’ya. Kamuntik pa siyang mahulog sa upuan.
“Are you listening?” tanong nito.
“Oo naman! I know what to do, and you can leave now!” mabilis niyang sagot.
“Are you forcing me to leave right away?”
“Ho? H-Hindi, ah! I mean, you can leave without worrying about me. Tama ba?” Napatanong pa siya sa sarili kung tama ang pinagsasabi niya.
“I didn’t worry about you. I’m worried about my house. Baka masunog mo,” sabi nito.
Natuwa pa siya dahil nag-Tagalog si Yoshin. “Uy! Bakit ko naman susunugin ang bahay mo? Wala akong bilyon para bayaran ka!”
Tumalikod na ito. “Do your job, Maya, and don’t dare destroy any single thing here, understood?” anito habang paalis.
“Understood, my lord!” Nakasunod ang tingin niya sa binata.
Napahinto pa ito at nilingon siya. Nagulantang ata ito sa sinabi niya. “Don’t be silly,” may iritasyong sabi nito.
“What’s wrong, my lord? Hindi ba Lord Yoshin ang tawag sa ‘yo ng tauhan mo? I’m your servant, so I can call you my lord, too.”
“Cut it off!”
“Hm! Basta gusto ko ang masunod. Gora ka na para makabuwelo ako ng trabaho!”
Hindi na maipinta ang mukha ng binata. Umalis na lamang ito.
Saka siya humagikgik nang makaalis ang kan’yang amo. Tumayo na siya at pinakialaman ang chocolate bars sa ref. Pumutol siya ng konting chocolate saka isinubo. Ginawa niya itong candy.
Sinimulan na rin niya ang paghuhugas ng mga kubyertos habang kumakanta. Saka na siya babanat ng trabaho kapag nakaalis na si Yoshin para walang distraction. Naglampaso pa siya sa sahig pero slow motion dahil mabigat pa rin ang kan’yang tiyan. Mayamaya rin ang silip niya sa cellphone at nag-aabang ng reply ni Boyet sa kan’yang chat.
Sinabi na ni Boyet ang petsa ng operasyon ng tatay niya. Bukas makalawa na ito. Hindi pa naman humihingi ng perang dagdag gastos ang kapatid niya kaya itatabi muna niya ang nalikom. Iisahing padala niya ito once nakasahod siya kay Yoshin para malaki-laki.
May isang oras na siya sa kusina bago lumabas. Hindi niya namalayan na lumabas na ng bahay si Yoshin. Namataan na lang niya ang kotseng humarurot palabas ng gate. May mini gate pa sa bahay bago ang main gate na malaki. Hindi rin direktang tumatambay ang mga tauhan ni Yoshin sa labas ng bahay.
Nang matiyak na nakaalis na si Yoshin ay saka siya pumasok sa kuwarto nito. Hindi ito naka-lock. Akala niya ay katulad din sa kuwarto niya ang silid pero nawindang siya pagpasok. Para itong buong bahay na merong mini lobby, may study room bago marating ang bedroom.
“Wow! Ang laki at ang ganda!” manghang wika niya nang makapasok sa bedroom. Ang laki ng kama roon at ang weird lang dahil black and white ang mattress ng kama. Itim ang kumot, abuhin naman ang kulay ng bed sheet at punda. “Parang bahay ata ni Batman ito,” aniya.
Inalisan na niya ng sapin ang kama. Mabango pa naman ang mga ito. Gray rin ang makakapal na kurtina ng malaking glass window. Inalis niya ang mga ito. Inipon niya ang labahin sa sahig at iniwan saglit.
Pumasok naman siya sa banyo na sobrang laki. Parang buong kuwarto na ito ng bahay nila sa Pilipinas. Merong Jacuzzi roon, nakabukod sa shower room, nakabukod din ang toilet. Malinis naman sa banyo at walang bakas ng tubig sa tiles na black and white rin.
Hinakot na niya ang labahin sa laundry room at unang isinalang sa machine ang malalaki katulad ng comforter at bed sheet. Naroon na rin ang mga damit ni Yoshin. Habang umiikot ang labahin ay nagtungo naman siya sa guest room katabi ng kuwarto ni Yoshin. Hindi ito naka-lock.
Namangha siya nang mapasok ang silid. Maluwag din ito at malinis. Walang sapin ang kama at nababalot ng puting tela. Mas malaki ito sa kuwarto niya. Sadyang para lang ata sa katulong ang inukupa niyang silid. Kumuha siya ng mattress na ipapalit sa kama ni Yoshin. Ang laki ng aparador doon, puro lang extra mattress ang laman at mga kurtina, table at chair clothes.
Aalis na sana siya nang mapansin ang mga abubot na nakalagay sa divider. Nilapitan niya ito at isa-isang tiningnan. Puro musical trophy ang naroon, meron ding songbook. Kinuha niya ang maliit na songbook na handwritten ang nakasulat. Sobrang luma na nito pero nababasa pa naman.
“Kanino kaya ‘to? Ang galing naman ng mga lysrics,” aniya.
Ibinulsa niya ng libro saka lumabas. Inayos muna niya ang kuwarto ni Yoshin. Pansin niya na wala masyadong abubot sa kuwarto, nakatago lahat. Pero sa drawer ng kama ni Yoshin sa bandang uluhan ay merong dalawang baril na maliliit. May kung anong deadly weapon pa ito roon.
Kinilabutan siya nang maalala kung paano pumatay ng tao si Yoshin. Tila bangungot ang eksenang iyon na nagpapanginig sa kan’ya sa tuwing naiisip. Mas mainam na huwag na lamang niyang alalahanin.
Binalikan din niya ang labahin saktong natapos na ang unang batch. Nasa dryer na ang mga ito. Automatic ang machine at meron nang dryer sa dulo, hindi na kailangang isampay sa labas. Paplantsahin na lang ito. Isinunod na niya ang mga damit ni Yoshin. Nang makita ang brief nito ay napagtripan niyang busisiin, natukso pang amuyin.
“Hm! Amoy bayag!” bulalas niya sabay tawa. “In fairness, hindi mabaho. Natural na amoy lang talaga ng bayag. Amoy sausage.” Humagikgik na naman siya.
Ang tapang ng pabango ni Yoshin, kahit labhan na ang damit nito ay amoy pa rin ang perfume. Ganoon ata ang mamahaling pabango. Naisama rin ang maliit na handbag ni Yoshin sa labahin. Tinaktak pa niya ito at napamata siya nang may mahulog na five hundred euro mula sa bag.
“Hala! May pera! Thank you, Lord!” mangiyak-ngiyak niyang sabi nang mapulot ang pera. Ang laking halaga na nito kung ipapalit sa peso. “Dito na ata ako yayaman sa amo kong masungit!”
Binukatkat pa niya ang loob ng bag pero wala na siyang makitang pera. Lahat na ng bulsa ng pants ni Yoshin ay dinukot niya. Hindi naman ata ito naglalagay ng pera sa bulsa, hind katulad ng mga pinoy. Walang kagusot-gusot ang mga pera roon dahil maayos na hinahawakan ng mga tayo, bawal din tupiin. Hindi tinatanggap sa mga store ang magusot na pera.
Pagkatapos maglaba ay pinasadahan na ni Maya ng plantsa ang mga damit bago tinupi. Masinop sa gamit si Yoshin. Naka-file ang mga damit nito sa closet at hindi halo-halo. Nakabukod ang pang-alis, mga pants, pambahay, at underwear. Inayos niya sa closet nito ang bagong labang mga damit.
Sa drawer sa ibaba naman ang underwear at maliliit na gamit. Pilit niyang binubuksan ang isang drawer sa pinakaibaba. Nang mahila ay nanlaki ang mga mata niya nang makita ang mga alahas, may gold coins pa.
“Wow! Ang dami!” Isa-isa niyang hinawakan ang mga alahas. Natipuhan niya ang antique na relo na obvious namang ginto. Pumulot din siya ng isang gold coin na kasing laki ng piso sa Pilipinas. “Grabe! Magkano kaya kung ibenta itong coin?”
Kumuha rin siya ng isang singsing at isinuot sa kan’yang daliri. Ang laki ng black diamond nito. Nang alisin na niya ang singsing sa kan’yang hintuturo ay ayaw matanggal.
“Hala! Ba’t ayaw matanggal?” iritableng saad niya.
“Maya?” tining ni Yoshin.
Nataranta na siya. Hindi puwedeng makita nito ang singsing na suot niya baka mapagkamalan siyang magnanakaw! Ramdam na niya ang yabag ni Yoshin na patungo sa kuwarto.
“T*ngina! Ayaw matanggal!” bulalas niya habang pilit hinihila ang singsing.
Isinara na niya ang drawer at naghanap ng matataguan. Kailangan matanggal muna niya ang singsing bago magpakita kay Yoshin. Nang marinig niyang bumukas ang pinto ay wala siyang choice kundi sumuot sa ilalim ng kama. Doon ay pilit niyang tinatanggal ang singsing sa kan’yang daliri. Malambot ang ring nito kaya siguro na-compress nang pilitin niyang alisin.
“Maya?” muling tawag ni Yoshin.
Ilang minutong katahimikan at puro kaluskos lang ang naririnig. Curious siya sa ginagawa ni Yoshin kaya bahagya siyang sumilip at hinawi ang laylayan ng comforter na nakalawit. Saktong pagtingin niya kay Yoshin ay naghubad ito ng pants kasama ang brief. Bigla itong pumihit paharap sa kan’yang direksiyon.
“Bayag mong malaki!” gulat niyang bulalas at napaurong sa gitna. Dagli niyang tinakpan ng palad ang kan’yang bibig.