KAUUPO lang ng mag-asawa ay inabala na sila ng emcee ng party na si Mica. Meron pa silang gagawin bago kakain. Katulad ng tradisyunal na aktibidad sa kasal, may pasayaw rin sila ni Yoshin, pero sila munang mag-asawa. Kaniya-kan’yang sabit ng pera ang mga tao sa kanilang damit. Malapit na kamag-anak din nila ang tumayong ninang at ninong sa kasal. Kinuha nilang ninong si Julio na may regalong air-con sa kanila. Pagkatapos sumayaw ay saka pa lang sila kumain ni Yoshin. Ginutom na sila pareho pero inobliga pa sila ng mga ninang na maghiwa na sila ng five-layer wedding cake. Dahil sila dapat ang mauunang maghiwa at titikim, naudlot na naman ang pagkain nila. Pagkatapos ay pinaubaya na nila kina Even at Karla ang pamumudmod ng cake. Nabaling naman ang atensiyon ni Maya kay Alejandro na kinuku