MATAPOS makuhaan ng picture ang venue ay umuwi rin sina Maya at Karla. Dumaan pa sila sa palengke at namili ng ibang kailangan sa venue katulad ng telang puti at olive green. Iyon kasi ang motif nila para terno sa forest background at white outfit. Sina Karla at Mica na ang mamimili ng sariwang bulaklak para sa dekorasyon. Hindi na mapakali si Maya habang papalapit ang araw ng kasal. Paalis-alis siya upang mabili kung ano pa ang kailangan sa venue. Halos hindi na siya magkanda-ugaga pero ang future husband niya ay pa-chill-chill lang, pagala-gala sa farm na parang walang iniisip na problema. “Maya, are you okay?” tanong ni Yoshin nang maabutan siya sa loob ng kuwarto na parang ipu-ipong paikut-ikot. Nag-iipon siya ng puting balahibo ng manok dahil ilalagay nila sa karwahe ng kabayo. “K