“MAYA, let’s talk,” ani Yoshin sa kabilang linya. Tila may hipnotismo ang tinig ng binata at hindi niya magawang ibaba ang cellphone. She just found herself talking to him. Uminit din ang bunbunan niya nang maisip na naisahan siya ni Chase. Numero ni Yoshin pala ang pina-dial nito. Isa rin siyang uto-uto na napasunod. Marunong ata mag-hypnotize si Chase. “Lintik na ‘yan! Naisahan ako ni Chase! Ano ba ang kailangan mo, ha?” palatak niya. “You can’t refuse me, Maya. I will return your money, and we need something to deal with.” “Ano? Nasisiraan ka na talaga ng ulo, ano? Close na ang usapan natin. Hindi ko na kukunin ‘yang pera mo. Tumigil ka, Yoshin! Kung iyong relo pa ang habol mo, sige, ibabalik ko na. Natubos ko na yon!” “Itago mo lang ang relo. We need to talk personally.” “T*ng*na