PANAY ang ubo ni Maya nang masamid ng konting tubig. “Ano naman ang gagawin ng hangal na ‘yon dito?” tanong niya. Humarap siya ulit kay Chase. “Mambulabog at hahanapin ka,” mabilis na tugon ni Chase. “Eh, g*go pala siya! Ayushin niya buhay niya kung ayaw niyang iniiwasan ko siya.” “Pero may iba pa siyang pakay,” pagkuwan ay sabi ni Chase. “Ano?” Inilabas niya mula sa echo bag ang binili niyang saging na saba na hinog. Inilapag niya ito sa lamesa. “Iyan lang meryenda n’yo,” aniya sa dalawang lalaki. “Hahanapin din ni Yoshin ang nanay niya,” ani Chase. “Teka. Hindi ba niya alam kung nasaan ang nanay niya?” “Nope. Ang alam lang niya ay narito sa Pilipinas pero wala siyang update kung ano ang nangyari.” “Gawin niya ang gusto niya basta huwag niya akong guluhin. May contact ako sa mga p