PAGDATING sa mall ay nagbenta muna ng dalawang gold coins si Maya. Malaki-laking halaga ang nakuha niya at sapat na pambayad ng ticket. Nakuha na niya ang ticket’s reference number mula sa online booking. Kailangan makapasok na siya sa airport bago mag alas-diyes ng umaga. Ala-una kasi ng hapon ang flight niya. Sa airport na siya magpapalipas ng oras. Pinaaga niya ang flight upang hindi siya mahabol ni Yoshin. Nang mabenta ang coins ay naglibot siya sa garment section, bumili nga siya ng brief na isang dosena pero ibibigay niya kay Boyet. Nakasunod sa kan’ya ang dalawang bodyguards kaya hindi siya makatiyempo sa pag-alis. May nakita siyang wigs kaya binili niya. Bumili rin siya ng damit. Nagpaalam siya sa bodyguards na magbabanyo. Sa loob ng banyo siya nag-ayos ng mukha at nagsuot ng wig