NATAPOS na lang ang tanghalian ay hindi pa rin maibalik ang wisyo ni Maya. Naghahalo ang kaba, excitement, at kilig sa kan’yang puso. Aprobado na ng pamilya niya si Yoshin, kaso hindi siya makabuwelo ng pagbunyi dahil sa agam-agam niya. Ang daming negatibong pumapasok sa isip niya. Binabalot ng tensiyon ang kan’yang puso habang nagliligpit ng pinagkainan nila sa lamesa. Kumislot siya nang may kamay na pumisil sa kan’yang baywang. Si Yoshin pala ito. “What bothers you, Maya? Aren’t you happy? Your family agreed to our marriage,” sabi nito. “I’m happy but not comfortable. They agreed to the marriage because they were unaware of your secret background. Paano kung may mag-traidor sa pamilya mo at isiwalat sa pamilya ko ang tunay mong pagkatao?” “I thought about that, Maya. We need to keep