SUMISIKAT na ang araw nang magising si Maya. Tumagos ang sinag sa kanilang tent at tumama sa kan’yang mukha. Alas-siyete na pala ng umaga at naririnig na mula roon ang ingay ng mga magsasaka na na-contact nila para magtanim. Ginising na niya si Yoshin. Nanakit na ang kasukasuan niya at halos hindi siya makabangon. “Ikaw na lang ang magtanim ng palay, Yoshin,” sabi niya. Nanatili siyang nakahiga. Umupo na si Yoshin at nagsuot ng damit. “Who will teach me to plant the rice then?” anito. “Si Mang Ador. There are farmers we have contacted to help us. Magluluto na lang ako ng lunch natin.” Lumabas na ng tent si Yoshin. Saka lamang siya kumilos at bumangon. Iniligpit niya ang tent at ibang gamit nila. “What about breakfast?” tanong ni Yoshin. “May nilagang saging pa tayo. Gawan na lang kit