PANAY ang buga ni Maya ng hangin at pinakalma ang sistema. Nakaisip din siya ng paliwanag para hindi lumalim ang pagdududa ni Boyet. “Ah, ano kasi sa bansa nila Yoshin, naging obsessed ang mga tao sa tattoo. Parte ‘yon ng art culture nila. At bawat imahe ng tattoo ay may ibig sabihin, nagsisimbulo sa personality nila,” palusot niya. “Saan ba sa Italy si Kuya Yoshin? Southern Italy ‘yon sabi mo noon, eh,” usisa ni Boyet. “Sa Sicily. Maganda rin ang palakad ng bansa nila.” “Sicily? Hindi pamilyar. Ang alam ko lang ay mga bansa sa Northern Italy. Hindi ba Europe rin ‘yon.” “Oo kasi euro currency ang gamit nilang pera.” “Medyo hindi komportable si Nanay sa presensiya ni Kuya Yoshin, ganoon din si Tiya Josie. Kahit ako, sa totoo lang ay nabibigatan sa aura ni Kuya Yoshin. Pero siguro nani