Chapter 11

1134 Words
"Oh, huwag kang mainis." Sagot niya to remind him na he's raising his voice at her. "Ikaw, kasi. Minamadali mo ko." Paninisi nito sa kaniya. Her lips formed into an 'O' bakit siya pa yata ang may mali? "Are you sure hindi ka takot sa Lola mo? Kasi as what I can see now, you're totally the opposite from what you're claiming for." However, she couldn't stop verbalizing her thoughts sa mga nakikita at napapansin niya. She's sort of a person na masyadong honest. Nagpakawala ng isang marahas na malalim na hininga si Sawyer and faced her completely. Now, they are sitting at the corridor, na para bang mga tambay na nag t-tsimis sa tabi-tabi. "I admit it. Takot ako." Finally, he said it. "Ayoko lang na pagtawanan mo ko dahil takot ako sa Lola ko, so I lied." "Hmm.. bakit naman kita pagtatawanan? Fear could mean you respect someone. Kaya naiintindihan kong takot ka sa Lola mo dahil ni re-respeto mo siya. There's nothing for you to feel ashamed tho." Although, kung may nakakatawa man dito ay 'yon ay ang pagiging goofy nito minsan. Like now. He sigh as if something in his throat was relieved. "Thanks. Gagawin ko na." Somehow, it cheers him ro do the plan. Samantalang si Cassandra ay inilabas ang kaniyang iPad while waiting for Sawyer at the door entrance to activate the cam na ilalagay nito sa parte ng kuwarto kung saan makita ang kama ng lola nito. He was slowly walking. Like sloowww. He's making steps like a goofy thief guy who doesn't want to be caught. Pigil ni Cassandra ang matawa, lalo pa't nakakatawa naman talaga kasi itong panoorin. "Paano kaya siya nagustohan ni ate sa ugali at galaw niyang 'yan?" She wondered while shaking her head in disbelief. Yung pakiramdam na halos hiniwalayan ka na ng kaluluwa mo, 'yun ang naramdaman ni Sawyer nang bahagyang gumalaw ang kaniyang Lola. Inakala niya'y katapusan na para sa kaniya. Napapahapo siya sa kaniyang dibdib at mariing napapapikit. Binilisan niya ang kaniyang kilos nang siya'y makaraos sa matinding kaba na kumalampag sa kaniyang dibdib. Nang mailagay na ang cam sa parte ng kuwarto na hindi mapapansin ay nagmamadali siyang lumabas. "Tapos na. Tara na." --- "What now?" "Kailangan natin tingnan kung anong oras siya gigising at matutulog. Para sa susunod ay hindi na tayo aalarma kung mahuhuli man tayo o hindi. Then, we can be at ease when we got the data info's." Yun naman talaga ang purpose nila. It is to get the information kung anong oras magpahinga at gigising ang Lola ni Sawyer, nang sa gano'n ay hindi sila magkukumahog sa oras na bigla itong papasok sa kuwarto nila para e inspect sila. "Fair enough, nice idea huh?" Nakangiting komplimento nito at pinagkrus ang mga binti. "It's your turn." She meant for him to declare his rule. Ipagpapatuloy nila ang nasimulan nila kanina. "Simple lang naman ang gusto ko, it would be no string attached. Bawal kang ma in love sa'kin, or ako man na magkagusto sa'yo kahit na sigurado akong hindi iyon mangyayari sa'kin. This is pure set up, makakahanap din tayo ng paraan to dissolve our unwanted marriage." Napaka-seryoso nito and is very determined not to make their marriage work. Pero hindi naman yun bagay na dapat ikalungkot ni Cassandra, sa halip ay ikinatuwa pa nga niya dahil ito yata ang bagay na magkasundo sila. "Okay, deal." "It didn't hurt you?" Tila gulat pa nga si Sawyer. Umarko naman ang kaniyang mga kilay. "Of course, not." Hindi alam ni Sawyer kung bakit dismayado siya kahit wala namang malinaw na rason. Isa pa, they knew each other for almost 3 days only. Baka kamo siya itong maunang ma attach? "I'm just asking, walang kahulogan iyon." Depensa niya sabay iwas ng tingin. Kumurap-kurap pa siya animo'y naduduling. "Kahit meron, hindi rin naman ako magtatanong." Isinulat niya sa blankong papel ang naunang dalawang kasunduan na pareho nilang napagdesisyonan. "Now, kailangan natin pumili ng mga salita at akto na dapat e reconsider natin. Since, our top priority is to make this set up look real." She propose as they ars not yet over with the discussion. "Sige, ikaw mauna." "Ikaw na mag suggest." Umiling si Sawyer at padaskol na humiga sa couch. Sa tangkad nito, hindi magkasya ang mga binti at ipinagkakasya na lamang ang sarili. "Hayaan mo na lang 'yan diyan, ako na gagawa mamaya. Inaantok na ako." Ipinagbuntong hininga na lang ni Cassandra ang biglaang pag iba ng mood ni Sawyer. Ayaw niya na lang intindihin, kasi ulo rin naman niya ang sasakit. She better off minding him at mag focus sa mga gagawin niya. She went back to continue her unfinished work, and when the night deepened and the drowsiness is unbearable, iniwan niya ang ginagawa at hinayaan ang sarili na magpahinga sa kama. --- ANOTHER day, another page of reality. Naalimpungatang nagising si Sawyer nang marinig na may kumakatok sa kanilang pintuan. Bagkus na tingnan kung sino ito, agad na hinanap ng kaniyang mata si Cassandra. He found her on their bed. "Fvck! Morning like this, again." Asik niya sa kawalan at nagkukumahog na tumakbo patungo sa kama. Mabilis na inayos niya ang pagkakahiga ni Cassandra, because she was lying on bed horizontally na nakadapa. He tucked himself in as fast as possible. Before that person could enter their room, naipikit na niya ang mga mata at nagpanggap na natulog. Ang position nila ay parang mga walang pakealam sa pagtulog. Basta't sila ay magkatabi. Nakatihayang natulog si Cassandra, tikom ang bibig ngunit ang mga mata ay half awake half asleep. Samantalang si Sawyer ay, nakadantay ang isang binti sa bewang ni Cassandra at ang isang kamay nakadantay sa leeg nito habang nakatihaya at awang ang bibig, ma kasama na ring paghilik. Pumasok si Amelia sa kuwarto, nang makita ang posisyon ng dalawa, siya ay natawa. This time, masasabi niyang hindi na ito sadya, at totoong natutulog pa ang mga ito. For remembrance, kinunan niya ng litrato ang dalawa bago umalis. Subalit, hindi namalayan ni Sawyer na tuloyan na pala siyang nakatulog. Nagising si Cassandra dahil sa nakaramdam siya ng pangangalay and at the same time, naiihi siya. Pero gano'n na lamang ang kaniyang pagkagulat nang mapagsino ang may ari ng bagay na nakadantay sa katawan niya. "AAAHHHHHHH!" She screamed in extreme shock. Dinig hanggang sa baba ang boses niya. Napatigil si Amelia sa pagbabasa ng diyaryo at napatingin sa ikalawang palapag. Nagising si Sawyer at napahiyaw rin dahil sa talas ng tinig ng asawa. "AAAHHHHH!" Mabilis at malakas na itinulak ni Cassandra si Sawyer nang sa pag bangon nito ay kamuntikan ng mag dikit ang kanilang mga mukha. Sa sobrang lakas, nahulog si Sawyer sa kama. "Anong ginagawa mo dito?!" Her eyes are the evidence of her current emotions. "What the... Bakit mo ko tinulak?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD