HINDI ako makatingin sa secretary ni Philip paglabas ko ng office. Ngumiti lang ako sa kanya saglit pero ang mga mata ko sa iba nakatingin. Mabilis akong umalis sa harap niya. Masyado lang akong guilty sa ginawa. Although, kami lang ni Philip ang nakakaalam kung anong kalokohan ang ginawa namin sa loob. Hiyang-hiya pa rin ako. Ngumiti ulit sa akin iyong assistant ko naman pagkita ko sa kanya. I smiled back too. Hawak ko na ‘yong doorknob ng magsalita siya. “Maam Anne.” Nilingon ko siya. Naituro niya iyong blouse ko. “Open po ‘yong butones po,” aniya at napatingin na ko sa suot kong damit. Bukas nga iyong huling butones ko. Naka-tuck in naman pa naman ako. “Oh, thanks!” sabi ko at tinalikuran na siya. My face heated. Ano ba ‘yan! Sobrang guilty! Iniisip ko baka iba ang iniisip rin

