MAAGA kaming nakauwi sa mansion at naroon na si Luke. Gumagawa ng assignments dahil pagkatapos maglalaro na naman siya ng mobile games. Nililimitahan na nga namin. Natuto siya dahil sa mga pinsan kong bata. Naturuan siya. Niregaluhan namin ni Daddy ng iPad kaya ayun hindi na niya hiniwalayan. Mahirap maging isang ina at asawa pero kinakaya. Sa grabeng problemang nangyari sa amin ni Philip. Himala talagang maayos pa rin kaming dalawa. Okay na kami. Dumating ang weekend, bumisita kami kay Doctora for my check-up, and she advised that we can do s****l intercourse na. Philip may look serious pero deep inside tuwang-tuwa siya sa balita. Matagal niya rin itong hinintay. Panay ang biro sa kanya ni Doctora pero nginingitian lang niya. Hinawakan ng mahigpit ni Philip ang kamay ko habang palabas

