NAGKAKAGULO kami sa kusina. Today is Lyka's fifth birthday. Mamayang hapon ang kiddie party niya and nagpresinta ako na makisali sa paghahanda para sa birthday ni Lyka. Iniwan ko sa mga yaya ang mga anak ko. Ang mga bata ay busy sa paglalaro at ang mga matatanda ay busy naman sa kusina. We ordered foods but since me and Mommy Glends want to cook our specialties dahil ibibida namin sa mga bisita. Sa umaga pa lang ay nagluto na kami. Philip is also busy on dealing with the suppliers and with inspecting the venue. We always love to do parties in our garden. Malaki kasi at may greenhouse rin kami. Nagha-hire na lang kami sa party needs or rentals at iyon nga ang tinitignan ni Philip kung okay ba ang lahat. "Last tray na po ito, Mom," habang nilagay na sa cool rack ang baked mac. Busy si Mo

