HINDI ako kumibo kahit na obvious naman na kinakausap niya ako. Naramdaman ko pa iyong pagsulyap niya sa akin pero patay malisya ako. Panindigan ko na hindi ko siya kilala. "H-hanggang ngayon ba... g-galit ka pa?" she asked. Halata na walang kumpiyansa ang boses nito. Wala na ba ang dating matapang na Belinda noon? Bumaling ako sa ibang direksyon kung nasaan ang ibang painting. Akma na kong aalis ng hawakan niya ang kamay ko. "I'm sorry!" aniya at tila napapasong binitiwan ang kamay ko. Nahagip ng mga mata ko iyong journalist na nagtatanong sa akin kanina. Kumukha na ng larawan naming dalawa ni Belinda. Mabilis akong tumalikod. Nagulat pa ko sa biglang pagsulpot ni Philip sa harap ko. Hinawakan niya ang aking kamay. Tiningala ko si Philip pero nahuli kong nakatingin siya kay Belinda.

