SILA Daddy ang nag-sub sa amin. Hindi na naging malungkutin si Luke. Bilib lang rin ako kasi nagkwento siya sa akin na pinapaliwanag niya sa mga classmates niya na bawal akong sumama kasi may sakit ako. Instead, ang Lolo at Lola niya ang pupunta. "But I told them we will attend next year and may baby brother na ako!" aniya kahit wala pa ngang gender ang kapatid niya. "Luke, wala pang gender ang kapatid mo. Mamaya it's a girl pala." "It's okay, Mom. I will tell them if she's a girl." Sinara ni Philip ang hawak na libro at binalingan ang anak nito na nasa gitna namin. "Hindi ka ba matutulog? Kanina ka pa madaldal. Inaantok na kami ng Mommy mo," sabi ni Philip at marahang hinila si Luke para yakapin. "I can't sleep pa," sabi niya. "Dito na lang muna siya patulugin. Ilipat mo na lang k

